Nagpahatid ng virtual address si Zelensky sa U.S. Congress

0
439

Natapos ang isa pang peace talks sa pagitan ng Russia at Ukraine kahapon.

Ayon kay Ukraine President Volodymyr Zelensky ay “nagiging mas makatotohanan ang mga kahilingan ng Russia” ngunit hindi niya binanggit kung ano ano ang mga ito. 

“Kailangan pa ang karagdagang pasensya,” ayon sa kanya.

Sinabi naman ni Russian Foreign Minister Sergey Lavrov na ang isang neutral military status para sa Ukraine ay “seryosong tinatalakay” ng dalawang panig,

Nakatakdang muling magpulong ang dalawang bansa sa isang linggo sa araw ng Martes.

Samantala, nagsalita si Zelensky harap ng U.S. Congress sa pamamagitan ng video at pinunto ang Pearl Harbor at 9/11, nakiusap sa Amerika ng dagdag na armas, mas mahigpit na sanction laban sa Russia at sinabing: “We need you right now.”

Dahil hindi pa makubkob ng Moscow ang Kyiv na kabisera ng Ukraine, sinabi ni Russian Foreign Minister Sergey Lavrov na ang isang neutral military status  para sa Ukraine ang “seryosong tinatalakay” ng dalawang panig.

Ayon sa pinakahuling balita, ang mga residente ng Kyiv ay nagsisiksikan sa mga bahay at mga apartment units sa gitna ng curfew sa buong lungsod na tatakbo hanggang Huwebes ng umaga, habang pinagbabaril ng Russia ang mga lugar sa loob at paligid ng lungsod. Isang 12-palapag na apartment building sa central Kyiv ang nagliyab matapos tamaan ng shrapnel.

Sa nakapaligid na daungan ng Mariupol, binomba ng airstrike ng Russia ang isang theater building kung saan nakasilong ang daan-daang tao, ayon sa city council ng lungsod. Wala pang ulat sa pagkamatay o pinsala.

Photo credits: Kyiv Post
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.