Fil-Chinese na negosyante, patay sa baril

0
541

Ibaan, Batangas. Patay ang isang Filipino-Chinese businessman matapos pagbabarilin ng nag-iisang hindi pa nakikilalang salarin sa bayang ito.

Ayon kay Major Emil Mendoza, hepe ng Ibaan police station, ang negosyanteng biktima na si Peterson Co, 49 anyos na residente ng Brgy. Bolbok, Batangas City ay nasa construction site na covered court at nakikipag-usap sa kanyang empleyado sa Brgy. Coliat, Ibaan nang lapitan siya ng hindi pa nakikilalang gunman sa likuran at pinagbabaril ang biktima ng ilang beses sa katawan kahapon.

Namatay siya on the spot sa lugar ng krimen.

Nasamsam sa lugar ang anim na fired cartridge case at dalawang bala ng caliber .45 pistol.

Ayon kay Mendoza, lumikha sila ng special task force na hahawak sa isang imbestigasyon. Kasalukuyang sinusuri ang limang video footage ng close circuit television camera na naka-install malapit sa site at sa pasukan at labasan ng ruta ng gunman.

Ang negosyo at trabaho ay kabilang sa anggulong kanilang tinitingnan sa motibo ng pagpatay, ayon kay Mendoza.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.