DA: Mahigit 158K magsasaka, mangingisda tatanggap ng tig-P3K

0
268

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) kahapon na mahigit 158,000 magsasaka at mangingisda ang tatanggap ng PHP3,000 halaga ng fuel subsidy sa ilalim ng PHP1.1-billion subsidy fund sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DA Assistant Secretary Noel Reyes na ang mga benepisyaryo sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), na gumagamit ng mga motorized boat at crude-consuming machinery ay makikinabang sa subsidy, kahit na nagkaroon ng unang oil price rollback na ipinatupad noong Martes.

“Iyan po ay ibibigay sa pamamagitan ng card mula sa DBP… Ipapakita lamang po iyong ID na iyan sa mga gasolinahan na accredited ng Department of Energy. Pwede po silang magpakarga at hanggang maubos po iyong PHP3,000 na iyo,” he said.

Reyes said an initial PHP500-million fund was allocated for the rollout, and an additional PHP600-million fund was later approved by President Rodrigo Duterte.

Reyes said an initial PHP500-million fund was allocated for the rollout, and an additional PHP600-million fund was later approved by President Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Reyes na ang paunang PHP500-million na pondo ay inilaan para sa rollout, at ang karagdagang PHP600-million na pondo ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Iyong PHP500 million po, ito lang Marso naumpisahan na po iyan last week sa Tacloban. Noong nakaraang araw nandoon po kami sa Zambales pero tuluy-tuloy na po iyan through our regional offices ng DA at ng [Bureau of Fisheries and Aquatic Resources,” he added.

Maliban sa PHP3,000 fuel subsidy, nauna dito ay tiniyak ng DA ang pamamahagi ng PHP5,000 halaga ng tulong sa mga magsasaka, sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.