POLO on wheels binuksan sa Al Khobar

0
396

Naglunsad ng mobile service ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang tugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga migranteng manggagawang Pilipino sa Al Khobar at iba pang lugar sa Eastern Region ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Sinabi ni Labor Attaché Hector Cruz, Jr. ng Philippine Overseas Labor Office – Al Khobar noong Biyernes na pinahintulutan ng mga awtoridad ang operasyon ng POLO-on-wheels upang magbigay ng consular, welfare at documentary na pangangailangan ng mga OFW sa rehiyon.

Bukod sa mga serbisyong mobile, sinabi ni Cruz na pinahintulutan din ng Saudi Ministry of Foreign Affairs ang POLO na magpanatili ng mala-hotel na silungan sa labas ng lungsod upang paglagyan ng mga distressed OFW at mga naghihintay ng repatriation.

Ang DOLE ay may mga regular na opisina ng POLO sa Riyadh at Jeddah lamang.

“We are proud to report that we have been allowed by the ministry to have our POLO on wheels and accept public services three times a week. This is great news because for our workers, instead of travelling for about 430 kilometers to our POLO in Riyadh, we can already attend to their needs anywhere in the eastern region,”aon kay Cruz.

Ang POLO on wheels ay alinsunod sa direktiba ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tiyaking magiging bukas ang mga serbisyo sa OFWs upang magamit  sa kanilang proteksyon at kapakanan.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.