Mataas na kahoy, Batangas. Nagtapos sa malagim na krimen ang away ng magkapitbahay na nag ugat sa hindi pagpapautang ng pera matapos pagbabarilin ng isang mister ang mag-asawang negosyante sa bayang ito, kahapon.
Ayon kay P/Staff Sergeant Samuel Destas, officer on case, ang mga biktima na kapwa dead-on-the spot (DOS) ay kinilalang sina Ronnie De Torres, 52, at asawa nitong si Marilou, 50; kapwa na nasa real estate business.
Batay sa pagsusuri, si Marilou ay nagtamo ng tama ng bala sa may gawing ulo habang si Ronnie ay nagtamo ng maraming tama sa katawan at ulo.
Apat na basyo ng bala ng caliber .45 pistol ang narekober ng mga pulis sa lugar na pinangyarihan ng krimen.
Ayon kay Destas, ang suspect na si Lauro Vergara Jr., 48, walang trabaho ay sumugod na armado ng baril sa bahay ng mga biktima at pinagbabato ang bahay ng mga ito sa Purok 2, Brgy. Kinalaglagan, dakong alas-5:20 ng hapon.
Dahil dito, napilitang lumabas ng bahay si Marilou upang tingnan ang nanggugulo ngunit agad siyang binaril ni Vergara sanhi ng agarang pagkamatay nito. Nagtangka namang tulungan ni De Torres ang misis ngunit pinagbabaril din siya ng suspek.
Bamaga’t may tama at duguan si De Torres, nagawa pa nitong makatakbo sa bahay ng pinakamalapit na kapitbahay ngunit hinabol siya ng suspek at at tuluyan ng pinatay.
Lumalabas sa imbestigasyon na “old grudge” o dating alitan ang sanhi ng krimen.
“Matagal nang may alitan ang mga biktima at ang suspek dahil ang ugat nito ay sa hindi pagpapautang ng pera ng mag-asawa sa suspect, kaya nagtanim ng galit ang mga ito hanggang sa nauwi sa trahedya,” ayon sa imbestigador.
Bago ang pamamaril, ang mag-asawa at suspek ay may dati nang kasong frustrated murder, may dalawang buwan na ang nakalipas.
Sinisilip din ng pulisya ang isa pang kasong murder ng suspek sa Batangas City noong 2016.
Sasampahan ng kasong 2-counters of murder habang si Vergara na nananatiling nakalalaya.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.