Majayjay, Laguna. Sa nakalipas na dalawang taon ay patuloy na nagdurusa ang mundo sa epekto ng COVID-19 Pandemic. Kumitil ito ng mga buhay at huminto ang operasyon ng mga negosyo. Ngayong taon habang patuloy na nakakabangon ang bansa mula sa epekto nito, ang Department of Trade and Industry (DTI) – Laguna Provincial Office sa pamamagitan ng Negosyo Center Majayjay ay patuloy na nagbibigay ng tulong sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng iba’t ibang seminar, consultations, trade fairs, and distribution of livelihood assistance, sa pamamagitan ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG), at Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB).
Mula noong 2020, nakapagbigay na ang DTI-Laguna at Negosyo Center Majayjay ng 144 livelihood kits sa 144 MSMEs sa iba’t ibang munisipalidad. Ang mga livelihood kits na ito ay magbibigay ng karagdagang 5,000 pesos na halaga ng mga bilihin upang makabangon ang kanilang mga negosyo mula sa epekto ng pandemya. At hindi tumigil doon ang DTI-Laguna, dahil ngayong taon ay nag-award ito ng karagdagang 99 na livelihood kits (pinakamaraming bilang ng mga benepisyaryo) noong Marso 24, 2022 sa Gat Yantok Memorial Court, Majayjay, Laguna sa mga MSME na naapektuhan ng krisis na dulot ng Covid-19. Ang 99 na benepisyaryo na ito ay nagmula sa 10 iba’t ibang Barangay sa Majayjay, kabilang ang San Isidro, Suba, Olla, Munting Kawayan, Talortor, San Miguel, Origuel, San Francisco, Ibabang Banga, at Santa Catalina. Sa pagkakataong ito, lahat ng 99 na benepisyaryo ay nakatanggap ng livelihood kits na nagkakahalaga ng 8,000 pesos, 3,000 pesos na mas malaki kaysa sa huling dalawang taon ng programa.
Kaugnay nito, kinilala ni Carlo Invinzor “Jojo” Clado, MDMG, Municipal Mayor ng Majayjay ang pagsisikap ng DTI Laguna at Negosyo Center Majayjay na magbigay ng tulong sa kanyang mga mamamayan. Malaki rin ang pasasalamat niya dahil taon-taon, ang Majayjay ang may pinakamaraming natatanggap na benepisyaryo sa buong probinsya. Ibinilin sa mga benipisaryo na sinuping mabuti ng mga natanggap na benepisyo at tulong upang muling umunlad ang kanilang negosyo, “Naniniwala ako na mahalaga ang MSMEs para sa paglago at tagumpay ng Munisipyo,” ayon kay Clado.
Sa patuloy nating pagharap sa mga hamon ngayon, ang DTI-Laguna ay patuloy na magbibigay ng de-kalidad na serbisyo para makamit ang pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mamimili, negosyante, at komunidad, na may mantrang “Serbisyong Higit pa sa Inaasahan” sa ating mga puso.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.