Comelec: 10.5M na botante ang tinanggal sa listahan ng botante sa 2022 elections

0
231

Tinanggal sa listahan ng mga botante ang humigit kumulag na 10.5 milyong rehistradong botante sa bansa para sa botohan sa Mayo 9, ayon sa ulat ng Commission on Elections (Comelec) kanina.

Ang data mula sa poll body ay nagsiwalat na may kabuuang 7,236,952 na deactivated na botante at 3,246,262 na pangalan ang tinanggal sa listahan ng mga botante.

Sa bilang, 7,229,493 ang na-deactivate dahil sa kabiguan nilang bumoto sa huling dalawang pambansang halalan, 3,993 ang hindi kasama dahil sa utos ng korte at 2,718 ang idineklara na sira ang ulo o incompetent ng mga awtoridad.

Na-deactivate din ang 536 na botante na nasentensiyahan ng mahigit isang taong pagkakakulong, 134 ang hindi nakapag-validate, 52 ang nawalan ng Filipino citizenship; at 26 na nasentensiyahan dahil sa paggawa ng mga krimen laban sa pambansang seguridad.

Para sa mga tinanggal na botante, 1,490,678 na botante ang lumipat sa ibang lungsod/munisipyo; 892,627 ang double registrants, at 755,769 na ang namatay.

Tinanggal din ang 64,320 na may double entries; at 42,868 na nag-aplay bilang mga botante sa ibang bansa.

Samantala, may kabuuang bilang na 6,950,449 na bagong rehistradong botante habang mayroong 1,520,500 Sangguniang Kabataan (SK) na mga botante, na 18 taong gulang na o sasapit na sa wastong gulang sa Araw ng Halalan, at awtomatikong naisama na sa listahan ng mga botante.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.