PRRD at Xi ng Tsina, virtual na magpupulong sa Abril 8

0
350

Nakatakdang magpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa Abril 8 sa isang virtual meeting, ayon sa Malacañang kanina.

Nauna dito, ipahayag ni Duterte noong Huwebes na nakatakda siyang makipag dialogue kay Xi sa susunod na linggo kaugnay ng posibleng spillover ng conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine sa Asia, kabilang ang Pilipinas at China.

Sa kanyang talumpati sa Lapu-Lapu City noong Huwebes, sinabi ni Duterte na ang China ay “hindi uupo lang,” sakaling ang Russia ay magsagawa ng nuclear war sa gitna ng patuloy na tensyon nito sa Ukraine.

Sinabi ni Duterte na ang posibleng panghihimasok ng China ay lilikha ng isang “seryosong problema,” dahil maaaring magdulot ito ng gulo para sa Pilipinas.

Nauna dito ay nagdeklara na si Duterte na mananatiling neutral ang Pilipinas sa conflict ng Russia-Ukraine.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang bumoto para sa United Nations General Assembly (UNGA) Resolution.

Ang resolusyon ng UNGA ay nananawagan sa lahat ng partido na magbigay ng ganap na proteksyon para sa mga sibilyan na tumatakas sa armadong labanan at karahasan at tiyakin ang ligtas na pag-access para sa humanitarian aid sa mga nasa Ukraine at mga kalapit na bansa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.