Ilang pagsasalin mula sa 2nd Presidential Debate ng Comelec

0
480

Ginanap kagabi, araw ng Linggo, Abril 3, 2022 ang pangalawa sa tatlong serye ng presidential debate na pinasimulan ng Comelec bago ang halalan sa Mayo 2022.

Basahin ang ilan sa mga highlight sa idinaos na The Turning Point: 2nd Presidential Debate na ginanap sa Sofitel Plaza sa Pasay City.

Leni Robredo

Isang full disclosure policy ang unang executive order Vice President Leni Robredo upang maisulong ang higit na transparency sa serbisyo publiko, sakaling siya ay mahalal bilang pangulo, ayon sa kanya sa PiliPinas Debates 2022 ng Commission on Elections.

Sinabi ni Robredo na ang kanyang unang EO ay ipasusunod sa lahat ng mga tanggapan at instrumento ng gobyerno na isapubliko ang lahat ng kanilang mga transaksyon at kontrata “kahit walang humihiling nito mula sa sinuman”.

Ipinunto niya na ang transparency ay isa sa mga pangunahing elemento upang labanan ang katiwalian, na ayon sa kanya ay resulta ng parehong mga kahinaan ng institusyon at ngindibidwal. Ang iba pang mga elemento ay pananagutan at pagbibigay-kapangyarihan sa mga tao.

“Merong tatlong pangangailangan para siguraduhin natin na napipilitan, ‘yung sistema napipilitan niya ang public officials para maging matino at mahusay. ‘Yung number one, accountability. Gaya nung sinabi ni Senator Manny, dapat ‘yung nagkakasala napaparusahan. Pero equally important and even more important ‘yung transparency at people empowerment kasi eto ‘yung magp-prevent for public officials na gumawa ng mali ‘pag very transparent ang ating processes,” ayon sa kanya.

Binigyang-diin din niya ang iba pang mga instrumento para sa transparency, tulad ng paglikha ng charter ng isang mamamayan at pag-digitize ng mga serbisyo at proseso ng gobyerno upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko.

Ping Lacson

Kailangan ang mga institusyong anti-korapsyon sa bansa na magkaroon ng matibay na pamumuno para maisakatuparan nila ang kanilang mandato, ayon kay independent presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson kagabi second installment ng Comelec PiliPinas presidential debate.

“Di mahina ang sistema. Marami tayong batas at institution na tumatakbo. Kahinaan po ng tao. Kahinaan ng tao sa gobyerno. Ang aking natutunan sa aking pag-aaral sa PMA (Philippine Military Academy) one of the leadership principles napakaimportante, leadership by example,” ayon sa kanya.

Sinabi ni Lacson na ang mga pagsisikap na ito ay hindi magtatagumpay kung ang isang pinuno ay hindi kayang magsagawa ng mga utos sa mga nasasakupan.

Dagdag pa niya, mayroon ng sapat na mga institusyon at hakbang ang gobyerno para tugunan ang mga sangkot sa graft and corruption.

Isko MorenoDomagoso

Binigyang-diin ni Aksyon Demokratiko presidential bet Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pangangailangan ng bansa na lumipat sa two-party system para sa smooth-sailing na pamamahala.

Ayon sa kanya ay mas gusto niya ang halalan na may dalawang senador bawat rehiyon at sinusuportahan ang party-list system ngunit dapat ay may dagdag itong mga pananggalang.

“Napapanahon na, hinog na, na tayo’y bumalik sa two-party system. We elect the president. At the same time, ‘pag nanalo ‘yung presidente, para walang away ‘yung presidente’t bise presidente, sabay silang mananalo,” ayon kay Domagoso.

Ikinalungkot niya, ayon sa kanya na ginagamit ang party-list system para pagsamantalahan ang mahihirap at palawigin ang political dynasties. Ang mga kinatawan ng party-list ay dapat iboto ayon sa rehiyon upang matiyak ang tamang representasyon mula sa mga sektor na kulang sa kinatawan, kabilang ang mga magsasaka, mangingisda, maralitang lungsod at kanayunan, at mga katutubo na naninirahan sa malalayong probinsiya, ayon sa papaalis na alkalde ng Maynila.

Manny Pacquiao

Aalisin ang impunity sa paghahabol sa katiwalian sa gobyerno, at tinitiyak na ang mga bilangguan ay mapupuno ng mga tiwaling opisyal, ayon kay presidential aspirant Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao sakaling mahalal.

“Subukan lang nila ako ng anim na taon. Makikita nila na ‘yung ipapagawa kong mega prison mapupuno ‘yun. Tama na ang paghihirap na ang sambayanang Pilipino. Tama na paghihirap ng mga kasama ko kung saan ako nanggaling,” ayon kay Pacquiao kagabi sa PiliPinas Debates 2022: The Turning Point.

Bilang tugon sa isang katanungan kung ang pinagmulan ng katiwalian ay dapat tingnan bilang sistematiko o batay sa mga personal na pagkukulang, unang sinagot ni Pacquiao na gugustuhin niya ang isang ganap na automation ng burukrasya upang alisin ang mga fixer at iba pang go-between ngunit hindi na siya nagdetalye pa.

Ang pamumuno at political will, aniya, ay kailangan upang maalis ang katiwalian, at idinagdag na ang pagpaparusa sa mga tiwaling opisyal ay magiging isang epektibong pagpigil dito.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.