Groom, patay sa aksidente habang papunta sa wedding reception

0
648

Torrijos, Marinduque. Nagtapos sa isang masaklap na trahedya ang isang kasalan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan ng groom patungo sa ‘paurungan,’ isang tradisyon ng kasalan sa Marinduque.

Kinilala ng mga tauhan ng Torrijos Municipal Police Station ang nasawi na si Alan Roldan, 26 anyos na engineer.

Dalawa pa ang nasawi sa sasakyang nahulog sa bangin kabilang ang isang 10 anyos na batang babae. Dinala sa ospital ang 28 iba pang nasugatan sa jeep na nahulog sa bangin.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, ikinasal si Roldan sa bayan ng Sta. Cruz at patungo na sa Brgy. Buangan sa Torrijos kung saan nakagayak ang reception ng kasal ng mawalan ng preno ang kanilang jeep at nahulog sa bangin sa brgy. Cagpo na may lalim na 20 talampakan.

Ang driver ng jeep ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng nabanggit na police station at nakatakdang sampahan ng mga kaso hinggil sa aksidente.

Patay ang groom at isang 10 anyos na batang babae at 28 iba pa ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa Brgy. Cagpo, Marinduque. Papunta sa “paurungan” ng kasala ang mga biktima. Photo credits: Marinduque News Network. 
Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.