Poultry farms na apektado ng bird flu sa 49 na nayon bibigyan ng P3.6-M na tulong

0
356

Namahagi ang Department of Agriculture (DA) ng kabuuang PHP3.6 milyon para mabayaran ang mga poultry farm na apektado ng avian influenza virus o bird flu sa bansa, ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI) nitong Huwebes.

Sa isang virtual briefing, sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes na ang PHP3,608,630 indemnification ay nagsisilbing kompensasyon kapalit ng mga na-culled na hayop, partikular na ang mga itik, pugo, at native na manok sa 49 na barangay sa limang rehiyon sa bansa.

Ang indemnification ay partikular na katumbas ng PHP100 kada pato o native na manok, at PHP15 kada pugo na pinatay.

Sinabi ni BAI Director Reildrin Morales na ang DA ay naglaan ng paunang halagang PHP25 milyon mula sa kanilang quick response fund para sa indemnification program.

Sa ngayon, 70 kaso ng bird flu ang naiulat sa 10 rehiyon sa bansa, ngunit 67 sa mga ito ay naresolba na.

Pinaalalahanan ni Morales ang mga backyard farmers na panatilihin ang biosafety measures dahil ang virus ay pinaghihinalaang kumalat sa pamamagitan ng migratory birds.

“Panatilihing malinis ‘yung loob ng kanilang mga farms para nang sa ganun hindi ‘yan makapag-attract ng mga wild birds, migratory birds, kasi po usually ‘yung mga nakatapon na feeds, ‘yung mga ipot, ‘yung mga buo-buong mais, ‘yan po ‘yung dinadayo ng mga ibon doon sa loob ng mga farms at dun po nagkakaroon ng contact ‘yung wild at saka ‘yung domestic,” ayon sa kanya.

Sa gitna ng banta ng bird flu, muling iginiit ni Morales na walang dapat ikabahala ang publiko sa supply ng karne at itlog ng manok dahil wala pang natukoy na impeksyon sa 43-araw na mga broiler chicken.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.