POLO: Tinutukan ang 3 bansa bilang market ng trabaho para sa mga OFWs

0
403

Tatlong bansa ang nakikita bilang employment market para sa mga overseas Filipino workers (OFWs), ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Lebanon noong Biyernes.

Sinabi ni Labor Attache Alejandro Padaen na tinitingnan nila ang Turkey, na nasa ilalim din ng hurisdiksyon ng POLO kasama ang mga bansang Georgia, Azerbaijan, at hilagang Cyprus, bilang iba pang destinasyon ng trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

“Turkey is a good prospect as an employment market for our workers once everything has normalized,” syon sa kanya sa isang virtual forum. 

Sa kasalukuyan ay may 4,000 na Pilipinong manggagawa sa Turkey.

“Slowly, the number is increasing since we have a regular deployment there,” dagdag ng POLO-Lebanon.

Kabilang sa mga OFW sa host country ang mga skilled worker, household services workers (HSWs), at mga nasa service sector.

Sinabi ni Padaen na ang pinakamababang suweldo ng mga HSW ay US$800 kada buwan. Ang halagang ito ng sweldo ay halos doble sa suweldo ng mga manggagawang ito sa ibang bansa.

“Recently, we approved a job order for workers in a big tuna factory which is managed by a Filipino,” ayon sa kanya.

Sa ngayon, mayroon na silang 11 foreign recruitment agencies (FRAs) para sa deployment ng HSWs, ayon kay Padaen.

“Recently, we approved a job order for workers in a big tuna factory which is managed by a Filipino. Another good prospects are Georgia and Azerbaijan because they have oil and gas sector there. Although we already have workers there, skilled and of course HSWs,” dagdag niya. 

Sa Northern Cyprus, ang mga OFW na nagtatrabaho na doon ay mga HSW, cleaners, staff sa mga hotel at nagtatrabaho sa mga bazaar.

Pinayuhan ni Padaen ang mga Pinoy na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na makipagtransaksiyon lamang sa mga recruitment agencies na accredited ng gobyerno, o sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.