Arestado ang dalawang matataas na opisyal ng CPP-STR Party Committee

0
205

Calamba City, Laguna. Arestado ang dalawang matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-Southern Tagalog Regional (CPP-STR) Party Committee ng pinagsanib na elemento ng Calabarzon Police at Military sa Nayong Pilipino, Pasay City, kahapon ng umaga

Ayon kay Calabarzon police director, Brig. Gen. Antonio Yarra, kinilala ang mga opisyal ng NPA na sina Ernesto Lorenzo at Rosita Celino-Serrano, matataas na opisyal ng Southern Tagalog Regional Party Committee, na kasama sa Most Wanted List sa National Level.

Nagtungo sa Pasay City ang dalawang opisyal ng NPA kasama si alyas Gigi, (inaalam pa ang tunay na pangalan) para sa kanilang iskedyul ng pagbabakuna nang mamataan sila ng mga operatiba na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawa.

Ang tatlo ay mapayapang sumuko sa mga operatiba at lantarang sinasagot ang mga katanungan ng mga tauhan ng pulisya.

Alinsunod dito, si Lorenzo alyas Adil, NDF Consultant, Executive Committee ng CPP/NPA/NDF at miyembro ng Reciprocal Working Groups on End of Hostilities and Disposition of Forces ay mayroong dalawang (2) standing Warrant of Arrest.

Isa na rito ay para sa Kidnapping and Serious Illegal Detention na inisyu ni Presiding Judge Napoleon E. Matienzo ng RTC, 4th Judicial Region, Branch 62, Gumaca, Quezon noong Setyembre 5, 2016 at ang isa pang Warrant of Arrest ay para sa Attempted Murder na inisyu ng Presiding Judge. Michael E. Vito ng RTC, 4th Judicial Region Branch 172, Gumaca, Quezon noong Agosto 6, 2021.

Samantala, sina Celino-Serrano alyas Ester, Bebang, Tonying, Norming at Pola ay tumatayong Regional Education and Propaganda Bureau Staff–STRPC at Secretary of Islam Mindoro at may nakabinbing Warrant of Arrest for Murder na inisyu ni Judge Harry D. Jaminola ng RTC, 4th Judicial Region Branch 41, Pinamalayan, Oriental Mindoro noong Agosto 30, 2016. Alinsunod dito, mayroon siyang reward na nagkakahalaga ng P5-Million batay sa DND-DILG Joint Order on Reward.

Sang ayon 1st Presidential SONA noong Hulyo 25, 2016 ni Pangulong Rodrigo Duterte, iniutos niya ang unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF at noong Agosto 15, 2016 ay binigyan ng Taguig RTC ng pansamantalang kalayaan si Lorenzo at dalawang iba pa na ay mga consultant ng NDF, ang political arm ng CPP.

Ang mga personalidad na ito ay pinakawalan upang lumahok sa pagpapatuloy ng peacetalks sa Oslo, Norway. Gayunpaman, dahil sa maraming paglabag sa usapang pangkapayapaan ng NPA, naglabas ang DOJ ng lookout bulletin at hiniling ng Government Peace Panel sa Taguig RTC na kanselahin ang piyansa ni Lorenzo et al, at pormal na naglabas ng nakasulat na paunawa ng pagwawakas ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) sa CPP/NPA/NDF.

Noong Pebrero 6, 2017, inihayag ni dating CPNP Director General Ronald Dela Rosa ang utos ni Pangulong Duterte na arestuhin ang lahat ng NDF consultant na nabigyan ng pansamantalang kalayaan.

‘It is but timely that we have arrested these two most wanted personalities of CPP/NPA/NDF that continues to put the nation’s safety in jeopardy with their violent acts and recruitment of our youths. We are just taking steps in securing the upcoming election on May by putting behind bars the possible threats in the region.’ ayon sa mensahe ni Yarra.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.