Task force vs. vote buying, bubuhayin ng DILG

0
322

Nananawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa muling pagbuhay sa Task Force Kontra Bigay (TFKB) na naglalayong tugunan ang mga ulat hinggil sa bilihan ng boto.

Sa isang briefing sa Laging Handa kanina, sinabi ni DILG undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na ang pagbili ng boto sa panahon ng halalan ay isa sa pinakamalaking dagok sa demokrasya ng Pilipinas.

Sinabi ni Malaya na ang Task Force Kontra Bigay ay unang naisaaktibo noong 2019 midterm elections ngunit ipinatupad lamang sa antas ng probinsiya.

Para sa pambansa at lokal na halalan sa 2022, iminumungkahi ng departamento ang pag-activate ng task force pababa sa antas ng munisipyo.

“Ngayong 2022 inaasahan ng DILG na kaagad agad ay maaprubahan na ng Comelec ‘yung resolution reconstituting and reactivating the Task Force Kontra Bigay sa tingin ko naging matagumpay ito dahil meron tayong (This year, the DILG expects that the Comelec will immediately approve the resolution reconstituting and reactivating the Task Force Kontra Bigay. I think it has been successful because we arrested) 356 violators who were accosted by the dedicated anti vote buying teams of the PNP at meron tayong PHP12 million vote buying money that was confiscated which served as evidence,” ayon kay Malaya.

Ang inter-agency na TFKB ay binubuo ng Comelec, Department of Justice, Presidential Anti-Corruption Commission, DILG, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines.

Sa pakikipag pulong sa Comelec, sinabi ni Malaya na nakarating sa kanilang kaalaman na ang nabanggit na resolusyon ay ipapasa sa Miyerkules. Kasama ang mga miyembro ng task force sa susunod na pulong pagkatapos ng Holy week.

“I hope we can also focus on the prosecution of these people so that our countrymen can see that we are serious in our steps to prevent or at least reduce vote buying in our country,” dagdag niya.

Ang pagbili ng boto at pagbebenta ng boto ay ipinagbabawal sa ilalim ng Seksyon 261 ng Omnibus Election Code.

Sa isang pahayag, nagbigay ng babala si Interior Secretary Eduardo Año sa mga kandidato sa halalan laban sa pagbili ng boto at hinikayat ang publiko na magsumite ng kumpletong hanay ng mga ebidensya na tutukoy sa mga gumawa ng ilegal na gawaing ito.

“The authorities should also tighten their vigilance on any kind of vote buying and most importantly, when our concerned citizens send reports, they will hopefully be complete details. Kasama tayo sa TFKB at titiyakin natin na maisasagawa ang mandato nito. Wala tayong pipiliin kahit sinong kandidato ito, we will go after them,” ayon kay Año.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo