Nagbitiw si Inting bilang pinuno ng Comelec gun ban committee

0
328

Nagbitiw kahapon si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Socorro Inting bilang pinuno ng gun ban committee ng poll body.

Si Inting, isang dating Associate Justice ng Court of Appeals, ay nagwika na ang kanyang desisyon ay isang uri ng protesta.

“I am a justice by heart than a Comelec commissioner. I will maintain a dignified silence. My resignation is a passive protest,” ayon sa kanyang salaysay sa mga reporters.

Ang anunsyo ng pagbibitiw ni Inting ay ipinahayag isang araw matapos aprubahan ng Comelec en banc ang mga amendment sa ilan sa mga patakaran nito, kabilang ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Comelec chairman Saidamen Pangarungan na magbigay ng exemptions kaugnay ng election gun ban.

Pinapayagan din siyang ilagay ang election areas of concern sa ilalim ng Comelec control.

Apat na miyembro ng seven-man panel ang nag-apruba ng mga susog sa mga alituntunin.

Noong Lunes, inihayag ni Pangarungan na ang poll body ay awtomatikong nagbigay ng exemption sa mga matataas na opisyal ng gobyerno sa gun ban.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.