LPA Agaton, patuloy na magdadala ng pag ulan sa kalakhan ng PH

0
573

Patuloy na magdadala ng pag ulan sa kalakhang bahagi ng bansa ang low-pressure area (LPA) na dating kilala bilang Tropical Depression Agaton ayon sa weather bureau kanina.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) forecaster Aldczar Aurelio, unti-unting lumalayo ang LPA sa Pilipinas at patungo na sa direksyon ng Bagyong Malakas (international name).

Huling natunton ang “Malakas” sa 1,545 km. silangan ng gitnang Luzon, sa labas ng Philippine Area of ​​Responsibility (PAR).

“Nag-downgrade ang ‘Agaton’ sa isang LPA kagabi. Gayunpaman, magdadala ito ng malakas na pag-ulan sa Visayas, Bicol region, at ilang bahagi ng Mindanao,” ayon kay Aurelio. “Patuloy na lumalayo si Malakas sa PAR.”

Sa Miyerkules, kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Eastern Visayas, Masbate, at Sorsogon dahil sa LPA.

Magdudulot din ang LPA ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa natitirang bahagi ng Visayas, Northern Mindanao, Caraga, nalalabing bahagi ng Bicol, Marinduque, Romblon, at Quezon.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng maaliwalas na panahon, na may mga pulu-pulong pag-ulan dulot ng mga localized thunderstorms.

Samantala, katamtaman hanggang sa malakas na hangin at katamtaman hanggang sa maalon na karagatan ang inaasahan sa silangang seaboards ng Luzon, Visayas, Mindanao, at extreme hilagang Luzon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo