Walong dope peddlers, arestado sa anti-drug ops ng Laguna PNP

0
529

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang walong drug suspects sa magkakahiwalay na Anti-illegal drugs operations ng Laguna PNP.

Sa San Pablo City Police Station sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lt. Col. Garry Custodio Alegre, Chief of Police, arestado sina Dario Ramos, 56 anyos, at Gilberto Aranguren, 45 anyos, pawang mga residente ng Brgy. III-C, San Pablo City, Laguna sa Brgy.III-B, San Pablo City, Laguna sa aktong nagbebenta ng Sa hiwalay na operasyon ng pulisya ng San Pablo CPS ay naaresto si Leonel Arrogancia, 27 taong gulang at residente ng Brgy lll-B, San Pablo City, Laguna sa Brgy lll-B, San Pablo City , Laguna habang nagbebenta ng ilegal na droga sa pulis na  poseur buyer.

Sa Calamba City Police Station sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lt. Col. Arnel Lopez Pagulayan, Chief of Police ay naaresto din sina Mellicent Gonda, 46 taong gulang at Cristina Chavez, 53 taong gulang, kapwa residente ng Brgy. Parian Calamba City, Lagunasa Purok 7, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna habang nagbebenta ng ilegal na droga sa isang poseur buyer.

Samantala, inaresto naman ng Biñan City Police Station sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lt. Col. Jerry Barayoga Corpuz, Chief of Police si Renato Papa, 47 taong gulang, at residente ng Brgy. Sto Tomas, Binan City, Laguna at Marcial Matala, 40 taong gulang, at residente ng Brgy. Poblacion, Binan City, Laguna sa B5 L7 Arkansas St, Bayan at Bansa, Brgy. Sto Tomas, Binan City, Laguna na nahuli sa akto na nagpa-pot session.Nakumpiska sa kanila ang mga drug paraphernalia.

Sa isa pang operations sa Mabitac Municipal Police Station sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Captain Eviener Amante Boiser, Chief of Police, nahulog sa bitag ng mga pulis at arestado si John Niño Aguado, 32 taong gulang na residente ng Brgy Cabooan, Sta Maria, Laguna sa Brgy. Nanguma, Mabitac, Laguna.

Ang mga nadakip ay nasa pangangalaga ng kani-kanilang police station at nakatakda silang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ipapadala naman sa Crime Laboratory Office ang mga ebidensyang nakumpiska sa kanila upang sumailalim sa forensic examination, ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director, Police Colonel Cecilio R. Ison Jr. kay CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Antonio C. Yarra.

“Ang bawal na gamot ay salot sa lipunan kaya’t mahigpit naming ipinapatupad ang batas na nagbabawal nito. Patuloy naming paiigtingan ang aming mga operations upang maiwasan ang paglaganap nito sa probinsy,” ayon sa mensahe ni PBGEN Yarra.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.