Magtanim ay ‘di biro

0
1101

Narinig na ba ninyo ang pariralang “Failure is good, is a redirection, is an opportunity?”

Sa ating mga magsasaka hindi palaging successfull ang resulta ng ating pagtatanim. Mayroon ding mga failures.  Ngunit kung minsan ang kabiguan ay mabuti rin sapagkat nire redirect lang tayo sa mas magandang opportunity ng Diyos.

Kailan ba nabibigo  ang isang magsasaka? Ang Pilipinas sa panahon ng tag-ulan ay malimit magkaroon ng bagyo. Ang unang naapektuhan kapag masama ang panahon ay ang ating mga magsasaka. Nasisira ang ating mga pananim at nalulugi tayo. Ganoon din kapag sabay sabay tayong nag harvest. Bumabagsak ang presyo ng ating ani dahil dagsa ang produkto sa mga palengke. Ang mga newbies naman ay nalulugi sa trial and error. 

Sa mga ganitong sitwasyon makikita ang katatagan ng dibdib ng isang nagsasaka. Kailangan ay may patience at persistence tayo.

Higit na mainam na huwag mag concentrate lang sa isang pananim. Ugaliing mag intercrop  gaya ng ube, gabi, luya, kamote, at iba pang pananim na matibay sa bagyo. Kailangan innovative at marunong tayo ng magproduct development.  Manood sa YouTube para sa karagdagang inpormasyon lalo na sa nga baguhan pa lamang sa larangan ng pagtatanim. 

Ang isang  lupang sakahan ay pwedeng ring mai develop upang maging isang agritourism o farm tourism venture. Bagong konsepto ito na swak sa pamilya.

Ang mga failures ng nating nga magsasaka ay magsisilbing nating tuntungan upang mamulat tayo sa bagong opportunities na darating sa atin. May mga hindi magagandang pangyayari ang dumarating sa ating buhay ngunit may higit na magandang plano pala ang Diyos para sa atin. 

Ang kabiguan ang pinakamahusay na guro. Kaakibat ng buhay magsasaka ang mapagod at mabigo. Ngunit kasabay nito, natututunan nating bumangon at muling lumaban.

Agriculture is a noble vocation. Sa panahon ng pandemic ay patuloy tayong nagpo produce ng pagkain para sa Pilipino kung kaya’t maituturing na ang mga magsasaka ay bayani. Gawin nating inspirasyon ang ating kabayanihan.

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.