2 pulis Laguna na bar passers, ipinagmalaki ni Laguna Chief PNP Ison

0
446

Sta. Cruz, Laguna. Ipinagmalaki ni PCOL Cecilio R. Ison, Jr., Acting Provincial Director, ang isang Non-Uniformed-Personnel (NUP) na si Josephine M. Ramos, ng Calauan Municipal Police Station, at Police Staff Sergeant Abraham M. Villezca ng San Pedro City Police Station, ng Laguna Police Provincial Office, bilang mga bar passers sa 2020/2021 Bar examination na inilabas ng Supreme Court noong Abril 12, 2022.

Si PSSg Villezca ay nakadetalye sa Legal Service ng Laguna PPO at itinalaga bilang Drafter at Researcher PNCO at si NUP Ramos naman ay itinalaga bilang Crime Registrar at CIRAS Encoder ng Calauan MPS.

Nakatakdang manumpa bilang mga bagong abogado sina NUP Ramos at PSSG Villezca sa harap ng SC en banc sa isang espesyal na sesyon sa May 2 sa MOA Arena.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.