2K indibidwal ang nabigyan ng Comelec gun ban exemption

0
308

Mahigit 2,000 indibidwal ang exempted sa Commission on Elections (Comelec) gun ban para sa May 2022 polls.

Batay sa datos ng Comelec’s Committee on the Ban on Firearms and Safety Concerns (CBFSC) na inilabas kahapon, 2,160 na aplikasyon ang inaprubahan at pinayagang magdala ng baril.

Sa bilang, 1,904 ang mga bagong aplikasyon at 256 na refiled applications ang tinanggap.

Ang bilang ng gun ban exemption applications na inaprubahan ay kumakatawan sa 49 percent ng 4,381 applications na natanggap ng Comelec.

Ayon pa rin sa Comelec, 906 na aplikasyon ng gun ban ang tinanggihan.

Samantala, may kabuuang 1,315 na aplikasyon ang patuloy na sinusuri, ayon sa ulat.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.