6 na babaeng kadete ang pumasok sa top 10 ng PNPA Class ’22

0
461

Anim na graduating na babaeng kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2022 ang pumasok sa top 10.

Sinalubong ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos noong Lunes ang top 10 graduating cadets ng PNPA Alab-Kalis (Alagad ng Batas na Kakalinga sa Sinilangang Bayan) Class of 2022 sa Camp Crame sa Quezon City.

May kabuuang 226 na kadete na binubuo ng 198 lalaki at 28 babae ang nakatakdang magtapos ngayong Abril 21.

Ang PNPA ang pangunahing pinagmumulan ng mga commissioned officers ng PNP, kung saan ang mga alumni nito ay may mga pangunahing posisyon sa command structure ng organisasyon, ayon sa pahayag ni Carlos.

Talagang natural graduates of PNPA would want to join the PNP. So in the top 10 marami talaga sa kanila ‘yung they would like to join the PNP but of course meron din tayong mga jail officers and fire officers that are part of the top 10 so we congratulate everyone,” dagdag pa ni Carlos.

Magtatapos bilang class valedictorian si Cadet Ernie Alarba Padernilla mula sa Passi City sa Iloilo.

“Nung nag-exam po ako at nakapasok sa PNPA para na siyang continuation ng journey ko. I worked hard and dedication hanggang sa naging class valedictorian ako,” ayon sa kwento ni Padernilla sa mga reporters.

Si Padernilla ay tatanggap ng Presidential Kampilan, Chief PNP Kampilan, Best in Forensic Science Award at Best in Thesis Award.

Class salutatorian naman si Cadet Regina Joy Belmi Caguioa mula sa Taguig City, Metro Manila. Tatanggap siya ng parangal sa Vice Presidential Kampilan.

Nasa ikatlong puwesto si Cadet Precious Shermaine Domingo Lee mula sa San Juan City sa Metro Manila. Siya ay tatanggap ng Kampilan Award ng Kalihim ng Panloob at Lokal na Pamahalaan at ang Best in Public Safety Award.

Pang-apat at panglima ay sina Cadets Fidel Elona Triste III mula sa Palo Leyte at Geneva Limjuco Flores mula sa San Carlos City sa Pangasinan.

Ang top six, si Cadet Zoe Compleza Seloterio mula sa Santa Barbara, Iloilo ay tatanggap din ng Athletic Kampilan Award dahil sa ipinakitang huwarang pagganap sa sports sa corps of cadets.

Ang nangungunang anim na kadete ay pawang sasabak sa PNP.

Nasa ikapitong puwesto si Cadet Neil Winston Navalta mula sa Diffun, Quirino na tatanggap ng Chief Bureau of Fire Protection (BFP) Kampilan para sa pagtatapos bilang pinakamataas na ranggo na kadete. Sasali siya sa BFP.

Kasama rin sa PNP ang class top 8 at 10, sina Cadets Mhar Dum-Ayan Viloria mula sa Pugo, La Union at Alyssa Angalan Bantasan mula sa Bauko, Mountain Province.

Ika-9 na pwesto si Cadet Collyn Mae Dimazana Panganiban mula sa Antipolo, Rizal na sasabak sa hanay ng Bureau of Jail Management and Penology.

Inaasahang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang graduation ceremonies sa PNPA campus sa Silang, Cavite.

Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2022 Top Ten. The Class Valedictorian of the ALAB-KALIS Class of 2022 in the person of Rank 1st P/CDT ERNIE ALARBA PADERNILLA from Barangay Dalicanan, Passi City, Iloilo. (Recipient of the Presidential Kampilan Award, CPNP Kampilan Award, and BEST Thesis Award), Ranked 2nd (in the final order of merits) P/CDT CAGUIOA, REGINA JOY BELMI from Taguig City, Metro Manila (Recipient of the Vice-Presidential Kampilan Award), Ranked 3rd P/CDT LEE, PRECIOUS SHERMAINE DOMINGO from San Juan City, Metro Manila (Recipient the SILG Kampilan Award), Ranked 4th P/CDT TRISTE, FIDEL III ELONA from Palo, Leyte, Ranked 5th P/CDT FLORES, GENEVA LIMJUCO from San Carlos City, Pangasinan, Ranked 6th P/CDT SELOTERIO, ZOE COMPLEZA from Santa Barbara, Iloilo (Recipient of the Athletic Kampilan Award), Ranked 7th F/CDT NAVALTA, NEIL WINSTON from Diffun, Quirino (Recipient of the BFP Kampilan Award), Ranked 8th P/CDT VILORIA, MHAR DUM-AYAN from Pugo, La Union, Ranked 9th J/CDT PANGANIBAN, COLLYN from Antipolo, Rizal (Recipient the BJMP Kampilan Award), Ranked 10th P/CDT BANTASAN, ALYSSA ANGALAN from Bauko, Mountain Province.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.