Comelec: Tapos na ang printing ng voters information sheet

0
449

Natapos na ang pag-imprenta ng voters information sheet (VIS), ayon sa report ng Commission on Elections (Comelec) kahapon.

Batay sa pinagsama-samang ulat ng katayuan sa pag-imprenta ng VIS, noong Abril 13, ang lahat ng mga form para sa mga rehiyon sa bansa ay na kumpleto na. Ang mga rehistradong botante ay makakatanggap ng nasabing form, na ipapamahagi ng poll body bago sumapit ang Mayo 9 na botohan.

Dapat isama sa VIS ang pangalan ng botante, tirahan, presinto at ang lugar kung saan siya nakarehistro.

Kasama rin ang mga pinasimpleng tagubilin sa pagka-cast ng mga boto.

May 65.7 milyong botante sa bansa, batay sa pinakahuling datos.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo