PRRD sa PNP, AFP: Maging handa sa Russia-Ukraine war spillover

0
383

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ihanda ang kanilang mga sarili para sa potensyal na spillover sa Asya ng nagaganap na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa graduation rites ng PNP Academy “Alab-Kalis” Class of 2022 sa Silang, Cavite, sinabi ni Duterte na nakipagpulong siya sa mga opisyal ng pulisya at militar upang bigyan sila ng babala sa posibleng spillover ng Russia-Ukraine conflict sa Pilipinas.

“Nagwa-warning lang ako that things might go overboard. Itong gulo na ‘yun. Isang pagkakamali diyan, may problema na tayo,” ayon sa kanya.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Duterte tungkol sa kanyang pakikipagpulong kamakailan sa mga opisyal ng PNP at AFP ngunit sinabi niyang inatasan niya ang tropa ng Pilipinas na maging “handa” sakaling maglunsad ang Russia ng nuclear war laban sa Ukraine.

“Kaya sinabi ko, tinawag ko ‘yung PNP pati yung armed forces. Sinabi ko kapag magulo na, trabaho na ng pulis pati army iyan, the Armed Forces of the Philippines. Be ready for that,” ayon sa kanya.

Nagbigay ng babala si Duterte, at sinabi na may posibilidad na hindi makontrol ang krisis sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Inulit niya na ito ay isang “malubhang problema,” kung sakaling palakasin ng Russia ang opensiba nito laban sa Ukraine sa pamamagitan ng paggamit ng mga nuclear weapon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo