Sumuko ang 88 miyembro ng CPP-NPA sa CALABARZON

0
393

Calamba City, Laguna. Walumpu’t walong (88) miyembro ng CPP-NPA ang sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan, ayon sa report ni PBGEN Antonio C. Yarra na nanguna sa pagtatanghal ng mga sumukong communist terrorist group (CTG) sa Bigkis-Lahi Event Center, Camp BGen Vicente P. Lim sa  lungsod na ito.

Kabilang sa mga dumalo sa nabanggit na programa Commander, Area Police Command – Southern Luzon, PMGEN Rhoderick C. Armamento na kumakatawan kay Chief PNP , PGen Dionardo B. Carlos.

Sumaksi rin sa pagtatanghal sina MGEN Rowen S Tolentino, Commander, 2nd Infantry Division; BGEN Norwyn Romeo P Tolentino, Commander, 201st Infantry Brigade; BGEN Cerilo C. Balaoro, Jr., Commander, 202nd Infantry Brigade; Sinabi ni Dir. Rufino C Mendoza, RD, NICA 4A; Sinabi ni Engr. Ariel O Iglesia, CESO IV, RD, DILG 4A; Sinabi ni Atty. Nepomuceno Leaño, Acting RD, DOLE 4A, Lucia C Almeda, Laguna Provincial Social Welfare and Development Officer, Dir. Toni June A. Tamayo, CESO III, RD, TESDA 4A; Ms Gerlie M. Ilagan, DepEd 4A; CJ Cofreros, DOH 4A; at si Engr. Christian Ariola, DA 4A at PBGEN Emmanuel Hebron, RD, RIAS.

Isinuko ng mga CTG ang 21 iba’t ibang kalibre ng ng long at short firearms at 190 iba’t ibang mga baril na may mga expired na lisensya.

Samantala, sinabi ni Yarra na ang pagsuko ng mga miyembrong ito ng CTG ay resulta ng counter-white and red area operations ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) 4A.

“Ating pinupuri ang 88 na dating kasapi ng CPP-NPA sa inyong determinasyon na ipakita ang buong pusong intensyong na magbalik loob sa gobyerno, yakapin ang mapayapang buhay at muling makiisa upang labanan ang terorismo,” ayon sa kanya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.