230 pulis sa Laguna, bumoto na

0
364

Sta. Cruz, Laguna. Bumoto na ang 107 na pulis at 123 na miyembro ng Regional Mobile Force sa Laguna sa ilalim ng Local Absentee Voting (LAV) ng Comelec kahapon.

Pinangunahan ni Police Colonel Cecilio Ramos Ison Jr. ang maagang pagboto sa harap ng mga kinatawan ng  Committee on Local Absentee Voting ng Commission on Elections (Comelec).Kabilang din sa mga bumoto ang mga hepe ng kapulisan sa Laguna. 

“Ang mga pulis ay may malaking partisipasyon para mapanatili ang peace and order at seguridad ng ating mga kababayan sa araw ng halalan. Kaya malaking bagay na ngayon ay makaboto na sila bilang karapatan din ng kapulisan bilang mamamayan ng ating bansa.” ayon kay PCOL Ison.

Ang mga lokal na absentee voters ay nakaboto para sa mga pambansang posisyon, katulad ng presidente, bise presidente, 12 senador, at isang party list group.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.