PH, Malaysian armies muling magtutulungan

0
301

Ni-renew ng Philippine Army at ng Malaysian Army ang terms of reference (TOR) para sa kanilang kooperasyon, na muling nagpapatibay sa ugnayan ng dalawang bansa.

“Our converging security interests, our shared sense of Asean identity, and our common vision of a more stable and peaceful Southeast Asia are the pillars by which this Terms of Reference stands,” ayon sa mensahe ni PA chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. kagabi.

Ang ugnayan sa pagitan ng Philippine Army at Malaysian counterpart nito ay nanumbalik noong Setyembre 1994 nang pumirma ang dalawang bansa sa isang memorandum of understanding (MOU) sa Defense Cooperation.

Binuo ng Pilipinas at Malaysia ang Combined Committee on Defense Cooperation na nagresulta sa paglikha ng Malaysia-Philippine Military Cooperation Working Group at ng Malaysia-Philippine Army Working Group.

Ang TOR, na binago ni Brawner at Malaysian Chief of Army Gen. Tan Sri Dato’ Seri Zamrose Bin Mohd Zain sa punong-tanggapan ng Philippine Army sa Fort Bonifacio noong Abril 28, ay naglatag ng batayan para sa hinaharap na mga bilateral na aktibidad sa pagitan ng dalawang hukbo.

Sinabi ni Brawner na ang pag-renew ay nagpakita ng matatag na ugnayan sa pagitan ng dalawang hukbo.

“It also articulates our desire to enhance and complement each others’ military capabilities in specified areas in the spirit of friendship and brotherhood, and lastly, it is a testament to our wavering commitment to promoting regional peace and stability consistent with the Asean Charter,” ayon kay Brawner.

Ang opisyal ng militar ng Malaysia ay kasalukuyang nasa bansa upang dumalo sa 2022 na edisyon ng Asian Defense and Security, ang biennial flagship defense at security exhibition ng Pilipinas na sinimulan noong 2014.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo