Walang isolation exemption para sa mga pasyente ng Covid-19 sa Mayo 9

0
319

Muling iginiit ng Department of Health (DOH) kahapon na bawal lumabas ang mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) habang naka-isolate kahit sa araw ng halalan.

Sa isang briefing ng Laging Handa kanina, binanggit ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje ang Republic Act No. 11332 na parurusahan ang mga hindi makikipagtulungan sa mga taong natukoy na may sakit.

“They are not allowed to go out of their areas ‘pag sila ay positive, so hindi sila puwedeng lumabas sa isolation facilities. I have not heard the Comelec (Commission on Elections) providing arrangements para makaboto ‘yong ating mga nasa isolation facilities. Ang stand ng Comelec, is they may not be able to vote,” ayon sa kanya.

Ngayong Mayo 9, sinabi ni Cabotaje na kailangan ding magpakita ng vaccination card ang mga botante para makaboto sa loob ng kanilang itinalagang voting precincts.

Ang mga hindi nabakunahan at ang mga nagpapakita ng mga sintomas ng Covid-19 pagkatapos ng screening ay makakaboto pa rin ngunit sa isang hiwalay o nakahiwalay na lugar ng botohan na malapit sa presinto.

“Kapag ikaw ay vaccinated, ipapakita mo ‘yong vaccine card, kapag ikaw ay unvaccinated dapat ipakita ‘yong RT-PCR test result mo (na) negative within 48 hours tapos i-iscreen ka at kapag ikaw ay nakitaan ng sintomas pabobotohin ka sa isolated voting place na dinesignate ng Comelec,” ayon pa rin kay Cabotaje.

Ang pang-araw-araw na kaso ng Covid-19 ay nasa average na 200 ngunit pinaalalahanan ni Cabotaje ang publiko na manatiling mapagbantay upang maiwasan ang biglaang pag-akyat ng impeksyon, lalo na matapos na maitala ng bansa ang unang Omicron subvariant na kaso ng BA.2.12.

Ang paalala ay inulit ni Dr. Butch Ong ng OCTA Research, na nagpatuloy sa pagsasabing hindi pa rin tapos ang pandemya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.