850 Lagunense, nakinabang sa BARANGAYanihan

0
597

Sta. Cruz, Laguna.  Natulungan ang 850 mamamayan sa ilalim ng programang The Duterte Legacy: BARANGAYanihan caravan na isinagawa sa Camp BGen Paciano Rizal at Brgy. Bagumbayan sa bayang ito.

Ang nabanggit na programa ay pinangunahan ng Laguna Police Office sa kooperasyon ng Sta. Cruz Municipal Police Station, Provincial Legal Service, Laguna Highway Patrol Group sa pakikipagtulungan sa DOLE Laguna, TESDA Laguna, DSWD 4A Laguna, DENR Laguna, Municipal Public Information Office (PIO), Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Municipal Local Civil Registrar (LCR), Municipal Agriculture Office, at Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO).

Sa isinagawang caravan, nabigyan ng bakuna ang 500 mamamayan ng Sta. Cruz at dumalo sa pag aaral ang 50 vehicle owners ukol sa mga bagong  modus operandi sa carnapping at vehicle inspections services na ibinigay ng Laguna Highway Patrol Group. 

Ipinamahagi din sa 50 mamamayan ang mga fruit tree seeds mula sa DENR Laguna samantalang ang mga kababaihang dumalo ay nabigyan ng TESDA ng bagong kaalaman ukol sa pagtitimpla ng dishwashing liquid at fabric softener.

Kabilang din sa mga serbisyong inihatid ang libreng legal assistance ng Provincial Legal Service, police clearance ng Sta. Cruz Municipal Police Station at konsultasyon hinggil sa labor Code ng DOLE Laguna.

Ang nabanggit na caravan ay dinaluhan nina Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director, Undersecretary Joel Sy Egco; PCOL Ericson D. Dilag, Regional Community Affairs and Development Division (RCADD); Chairman of Laguna Peace and Order Council Ms. Maricar A Palacol; Hon. Edgar S. San Luis, Mayor, Sta Cruz, Laguna; Local Government Operations Officer (LGOO) III Joyce A Saavedra; LGOO II Hanna Krystel R Castro; ADA IV John Joseph Robles; CENRO Sta Cruz Venerando U Garcia; Philippine Information Agency (PIA) CALABARZON Carlo P Gonzaga; Ms. Jessebel T Estacio, DSWD IV-A; at Marites Caballero, Supervisor, TESDA Laguna.

Sa kanyang mensahe, inisa isa ni PMGEN Bustamante ang mga serbisyong ipinahatid ng pamahalaan at ng mga lingkod bayan na ayon sa kanya ay nagdulot ng napakalaking epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan. Hinikayat niya ang mga linkod bayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mamamayan na magkaisa upang makamit ang higit pang maayos na paglilingkod sa Laguna.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.