Itinatalaga si Danao bilang bagong PNP Deputy Chief of Operations

0
400

Uupo si Lt. Gen. Vicente Danao bilang Deputy Chief of Operations (DCO) officer-in-charge habang nananatili sa ang kanyang kasalukuyang posisyon bilang Directorial Staff, ayon sa kumpirmasyon ni Interior Secretary Eduardo Año kanina.

Pinapalitan ni Danao si Lt. Gen Ferdinand Divina na umabot na sa kanyang mandatory retirement age na 56 noong Mayo 2, anim na araw bago ang nakatakdang pagreretiro ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos.

Si Danao ang uupo sa puwestong binakante ni Divina sa acting capacity habang hinihintay ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga papalit, ayon kay Año.

Hinggil sa pagreretiro ni Carlos, sinabi ni Año na ang kanyang serbisyo bilang PNP chief ay maaari lamang mapahaba sa panahon ng digmaan o national emergency na idineklara ng Kongreso.

Si Carlos ay bababa sa kanyang puwesto sa Mayo 8 sa kanyang pagtuntong sa mandatory retirement age na 56.

Kaugnay nito, nagpasa si Año kay Duterte ng dalawang pangalan ng opisyal na maaaring humalili kay Carlos.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo