Babantayan ng PNP, LGUs ang mga betting stations, cockpit arenas vs. e-sabong

0
452

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kanina na ang mga local government units (LGUs) at ang Philippine National Police (PNP) ay susubaybayan ang mga betting station at cockpit arena na nago-operate ng e-sabong sa kani-kanilang lokalidad.

Sinabi ni Año na agad na ipatutupad ng DILG ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na suspindihin ang operasyon ng e-sabong sa buong bansa.

Nagbabala siya na gagawa ang mga pulis ng recording at streaming ng mga e-sabong outlet at cockpit arena upang matiyak na sarado ang mga ito.

Aniya, huhulihin ang mga lalabag sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang operasyon ng e-sabong.

Valid ang utos ng Pangulo kahit walang implementing rules and regulations (IRR), at sinabing sapat na ang memorandum na inilabas ng Executive Secretary, ayon kay Año.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.