Mahalay na Lolo inaresto ng Laguna PNP

0
339

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang isang 69 anyos na lolo sa kasong R.A. 7610 o “Special Protection of Children, kahapon sa bayang ito.

Kinilala ni  Laguna Police Provincial Director Police Colonel Cecilio R. Ison Jr. ang akusado na si Reynaldo Abitan, isang vendor, at nakatira sa  Camia St., Lynville Phase 3, Brgy. Calios, sa nabanggit na bayan.

Ang inaresto ilalim ng manhunt operations na isinagawa ng Santa Cruz Municipal Police Station sa pangangasiwa ni PLTCOL Paterno L. Domondon Jr., ay rank 6 sa listahan ng most wanted person sa provincial level.

Kasakuyang nakakulong sa Sta. Cruz MPS ang akusado habang inaabisuhan ang Family Court, Branch 6, Santa Cruz, Laguna kung saan siya ay nakahabla ng Lascivious Conduct Under Sec. 5 (b) of R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.