Handa ang 202nd Unifier Brigade para sa botohan sa Mayo 9

0
349

Cavinti, Laguna. Tiniyak ng 202nd Brigade ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa bayang ito ang kaligtasan ng mga tao at mga kandidato sa panahon ng botohan sa Mayo 9.

“All systems go,” ayon kay 202nd Unifier Brigade Commander Brigadier General Cerilo Balaoro Jr. at iniulat na mahigit 1,000 sa kanilang pwersa ang idini-deploy ngayon sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ng Calabarzon upang magbigay ng seguridad at magpatupad ng mga batas sa halalan.

“Marami pong aktibidad na may kinalaman sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa lugar, lalo na sa panahon ng kampanya. Mayroon po tayong ginawang Joint Security Plan with our partners na deputized ng Comelec, ang PNP at Philippine Coast Guard. Ang inyong Armed Forces ay laging sumusuporta sa ating PNP sa pagpapatupad ng mga batas sa halalan,” dagdag pa ni Balaoro.

Nagbibigay din ang Unifier Brigade ng suporta at seguridad sa transportasyon upang matiyak na ligtas na maihahatid ang mga election paraphernalia, lalo na sa mga lugar na classified ng COMELEC sa ilalim ng yellow at orange na watchlist.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.