Ex-congresswoman Gina Reyes Mandanas, pumanaw na

0
442

Pumanaw na si dating Marinduque Congresswoman Gina Reyes Mandanas sa edad na 57 kahapon, Mayo 5, 2022.

Ang pagkamatay ng dating Congresswoman na asawa ni Gob Hermilando Mandanas ay kinumpirma ni Batangas Vice Governor Mark Leviste at ng Batangas Public Information Officer

Si Regina “Gina” Ongsiako Reyes-Mandanas ay ang bunsong anak ni dating Marinduque Gov. Carmencita Reyes at dating Philippine Bureau of Immigration Commissioner Edmundo Reyes Sr.

Nagsilbi si dating Marinduque Congresswoman Gina Reyes Mandanas sa mga mamamayan ng Marinduque mula Hunyo 2013 hanggang Pebrero 2016. Siya ang 2nd nominee ng Anak Kalusugan party list.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.