Pig virus, posibleng ikinamatay ng unang pig heart transplant

0
460

Ang virus ng baboy ay maaaring naging dahilan ng pagkamatay ng unang taong tumanggap ng transplant na puso ng baboy, ayon sa mga mananaliksik

Si David Bennett Sr., 57, ng Maryland, ay namatay noong Marso, dalawang buwan lamang pagkatapos ng groundbreaking experimental transplant. Sinabi ng mga doktor ng University of Maryland noong Huwebes na natagpuan nila ang viral DNA sa loob ng puso ng baboy. Wala silang nakitang senyales na ang bug na ito, na tinatawag na “porcine cytomegalovirus,” ay nakakapagdulot ng aktibong impeksiyon.

Ang virus ng hayop ay unang iniulat ng MIT Technology Review, at tinuran ang isang scientific presentation mula kay Dr. Bartley Griffith, ang surgeon na nagsagawa ng transplant ni Bennett.

Ang isang pangunahing alalahanin tungkol sa mga transplant ng hayop-sa-tao ay ang panganib na maaari itong magpakilala ng mga bagong uri ng impeksyon sa mga tao. Sinabi ni Griffith na ang ilang mga virus ay maaaring maging “hitchhiker” dahil nakapagtatago sila nang hindi nagdudulot ng mga sakit. Sa ngayon, ang mga mananaliksik ay nagsasagawa ng higit pang mga pagsubok upang matiyak na hindi nila makaligtaan ang mga ganitong uri ng mga virus.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.