3 ex-NPA, sumuko sa Occidental Mindoro PNP

0
341

Mamburao, Occidental Mindoro. Kusang loob na sumuko ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga tauhan ng Mamburao Police Station sa Brgy. Payompon, bayang ito kamakalawa.

Kinilala ni PCOL Simeon Gane Jr., Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office ang mga sumuko na sina alyas Ka Joshua, 42 anyos; Ka Jerome, 42 anyos; at Ka Marian, 41 anyos, pawang naninirahan Brgy. Barahan, Sta. Cruz, sa nabanggit na bayan.

Ayon kay PCol Gane Jr, ang pagsuko ng tatlong rebeldeng NPA ay resulta ng walang humpay na pagsisikap ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, at Sta Cruz Municipal Police Station ng Occidental Mindoro PPO, kasama ang 402nd at 405th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 4B, Provincial Intelligence Team-Occidental Mindoro ng Regional Intelligence Unit-4B, at ng 76th Infantry Battalion sa ilalim ng 203rd Brigade ng Philippine Army.

Ayon pa kay PCol Gane, ang mga sumukong CTG ay mga regular na miyembro ng Sandatahang Yunit sa Pag-oorganisa sa ilalim ng Platoon GMT, SRMA-4D (ISLACOM MINDORO) na nag-ooperate sa mga lalawigan ng Occidental Mindoro (Sta Cruz, Mamburao, Paluan, at Abra de Ilog) at Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro at Baco).

Dagdag pa ni PCol Gane Jr, ang mga nasabing CTG ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Occidental Mindoro 2nd PMFC ang mga sumuko upang sumailalim sa debriefing at tukuyin kung sila ay kwalipikado sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.