Php 680K halaga ng iligal na droga nakumpiska sa Batangas City

0
271

Batangas City. Nakumpiska ang Php 680,000 na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operations ng pinagsanib na elemento ng Batangas Provincial Drug Enforcement Unit at Batangas City Police Station kahapon, Mayo 14, 2022 sa Brgy Balagtas, lungsod na ito.

Kinilala ni Batangas Police Provincial Office Director PCOL Glicerio C. Cansilao ang suspek na si John Christopher Oliver Abulencia alyas Ian, 34 anyos na tricycle driver, taga Malabon City at residente ng Brgy San Lorenzo Ruiz, San Pedro, Laguna.

Nakumpiska sa kanya ang humigit kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may street price na Php 680,000. 

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Batangas MPS custodial facility habang inihahanda ang kaso ng paglabag sa RA 9165 sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.