Seafarers, exchange students, OFW na lalabas ng bansa sa loob ng apat na buwan, kasama sa priority
San Pablo City, Laguna. Maaari ng magpa-schedule ng COVID-19 booster shot sa lungsod na ito ang mga health worker, senior citizen at may comorbidity.
Batay sa abisong ipinalabas ng lokal na pamahalaan, pwede ng mag-book ng appointment ang mga nasa priority group na A1, A2 at A3 sa link na ito:
https://www.picktime.com/sanpablobooster
Sa araw ng pagpapa bakuna ng booster shot, dapat ding dalhin ang valid ID at vaccination card.
“Pumunta lang sa inyong vaccination site 15 minuto bago ang inyong schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan at mapanatili ang minimum health and safety protocols,” ayon kay San Pablo City Health Officer James Lee Ho.
Ang mga nasa A3 category o may comorbidity naman ay dapat magdala ng medical certificate.
Sandy Belarmino
Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV. Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.