Abalos sa BSKE candidates: Magpa-drug test

0
179

Sa paghahanda para sa nalalapit na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE), hinikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato na sumailalim sa drug test.

Sa isang pahayag, binigyang diin ni Secretary Abalos na mahalagang sumailalim sa drug test ang mga nais tumakbo sa halalan upang patunayan ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa bayan.

“Kung gusto ninyong tumakbo, manilbihan sa bayan, isa sa pinakamalaking problema ay droga, siguro magpa-drug test kayo,” sabi ni Abalos.

Idinagdag pa niya, “Pakita ninyo na handa kayong maglingkod. Tinatawagan ko ang lahat ng mga kandidato na sumunod sa hamon na ito.”

Nakatakda ang 2023 BSKE na isagawa sa ika-30 ng Oktubre.

Ang panawagang ito ni Secretary Abalos ay bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang labanan ang problema sa ilegal na droga at masiguro ang integridad ng mga opisyal na hahalal sa Barangay at Sangguniang Kabataan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo