ABC president sa Laguna arestado sa matataas na kalibre ng baril

0
473

Bay, Laguna. Inaresto ng pinagsanib pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group- Laguna at Regional intelligence Unit ang incumbent President ng Association Barangay Councils (ABC) ng Bay, Laguna dahil sa pagmamay ari ng matataas na kalibre at mga hindi lisensyadong baril.

Kinilala ni Police Brig. General Jose Melencio Nartatez Jr, hepe ng Police Regional Office 4A ang suspect na si Chairman Angelito De Mesa, 48 anyos at kasalukuyang barangay chairman ng Brgy.Masaya ng nabanggit na bayan.

Si De Mesa ay dinakip sa kanyang tahanan sa nabanggit na lugar sa bisa ng isang search warrant na ipinalabas ni Judge Agripino Bravo, Executive Judge ng Regional Trial Court, Lucena City.

Ayon kay Nartatez, ang raid sa bahay ni De Mesa ay nasaksihan ng kanyang mga kasamahang opisyal sa barangay at ng asawa nito na si Maria Fe at mga tanod.

Kabilang sa mga baril na nakuha sa isang lihim na kwarto ni chairman ang isang caliber 5.56mm, isang M16 rifle, isang caliber 9mm machine pistol, isang caliber .45 at iba’t ibang bala.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act si De Mesa at walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.