Abi Yu, proklamado na bilang magbabalik na bokal sa Laguna

0
920

Sta, Cruz, Laguna.  Iprinoklama ng Comelec si Abi Yu kanina bilang nagwaging  board member sa Laguna District matapos makakuha ng pinakamataas na botong 160,709.

Ang nabanggit na proklamasyon ay ginanap sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall sa Santa Cruz, Laguna sa patnubay ng Laguna Provincial Board of Canvassers (LPBOC) sa pamumuno ng COMELEC at sa pangunguna ni Provincial Election Supervisor Atty. Arnulfo H. Pioquinto bilang chairman. Kaharap din dito sina Provincial Prosecutor Atty. Ma.Victoria C. Dado bilang pangalawang tagapangulo, at Deped Laguna Schools Division Superintendent (SDS) Dr. Marites A.Ibañez bilang member-secretary.

Si Yu na thee-termer city councilor ng San Pablo City ay nakatakdang muling umupo sa kanyang ikatlong termino bilang bokal sa ikatlong distrito ng Laguna.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.