Abogado sa Batangas, patay sa baril

0
532

Sto. Tomas City, Batangas.  Pinagbabaril at napatay ang isang abogado sa loob ng kanyang opisina sa 063 Gen. Miguel Malvar Ave., Brgy. Poblacion 1, bayang ito kahapon.

Kinilala ang biktima na si Reginald Michael C. Manito, 42 anyos na abogado. Ayon sa ulat, pumasok ang dalawang lalaking armado ng baril at pinagbabaril ang biktima sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang direksyon. Agad na isinugod sa St. Cabrini Medical Center, Sto Tomas City ang biktima para magamot ngunit idineklara itong dead on arrival ni Dr. Gil Christoper Auila.

Agad namang nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek habang hindi pa nila matukoy ang motibo sa pamamaril.

Narekober sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang isang (1) piraso empty shell na hindi pa matukoy na kalibre ng baril, ayon sa report ni PCOL Glicerio C. Cansilao kay PBGEN Antonio C. Yarra, Regional Director ng PRO CALABARZON.

 “Kung sinuman ang may impormasyon sa kinaroroonan ng suspek ay agad ipaalam sa mga awtoridad para sa agarang ikalulutas ng kaso,” ayon kay Cansilao.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.