MAYNILA. Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang Absolute Divorce Bill nitong Miyerkules ng gabi.
Sa pamamagitan ng viva voce voting, pinagtibay ang House Bill (HB) 9349 o Absolute Divorce Act. Kabilang sa mga grounds para ipatupad ang absolute divorce ay ang psychological incapacity, marital abuse, kapag ang isa sa mga mag-asawa ay sumailalim sa surgery para magpalit ng kasarian, pagkakahiwalay ng 5 taon, pisikal na pang-aabuso, pagtataksil, homosexuality, at iba pa.
Sa plenaryo, kinuwestiyon ni Tingog Partylist Rep. Jude Acidre kung ang absolute divorce ay para sa mag-asawang hindi na masayang nagsasama sa kabila ng kanilang kasal. Tugon naman ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, na hindi lamang ito para sa mga hindi masayang pagsasama kundi maging sa mga toxic na relasyon at puno ng pighating sitwasyon.
Binigyang-diin ni Lagman, may-akda ng panukala, na ang absolute divorce ay “pro-poor woman” kung saan sa ilalim ng panukalang batas ay may mandato ang hukom na desisyunan ang petisyon ng diborsiyo sa loob ng isang taon matapos mag-expire ang 60 araw na ‘cooling off period’.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo