Abui: Isang masarap na prutas na nagbibigay ng bunga sa loob ng 3 taon

0
1239

Pagtatanim ang pinakasikat na solusyon ngayon sa kalungkutan na hatid ng new normal na buhay. Dahil dito ay nagkaroon tayo ng panahon at interes na magbasa at manood ng informative news. Bagay na maganda dahil una ay nagkakaroon tayo ng mga bagong kaalaman. Pangalawa ay nakakatulong ito sa pagpapanatili ng ating mental health.

Napakaraming interesting na prutas, (endemic at non indigenous) sa Pilipinas na pwede nating pagtuunan ng pansin. Isa na dito ang Abiu o pouteria caimito. Native fruit ito ng Brazil at Peru na dinala sa bansa noong 1987. Ang buto nito ay  galing sa tropical  Queensland, Australia. Ang dalawa ay itinanim at matagumpay na tumubo sa Institute of Plant Breeding nursery site sa Los Banos, Laguna at ang 16 ay sa RC Farm sa Calauan, Laguna. Hanggang ngayon hindi pa gaanong marami ang nagtatanim nito kaya masasabing rare pa rin ang Abiu sa bansa.

Lumalaki ang puno ng Abiu sa average na 33 talampakan (10 m) ang taas, at maaaring umabot ng hanggang 116 talampakan (35m) kapag maganda ang kondisyon. Ang hugis ng mga prutas nito ay bilog o hugis-itlog. Kapag hinog na, ito ay may makinis at matingkad na dilaw na balat at may isa hanggang apat na ovate na buto. Ang loob ng prutas ay translucent at puti. Mayroon itong creamy at mala-jelly na texture at ang lasa nito ay tila caramel custard. Malapit ang katangian nito sa caimito. Ang kaibahan lang ay dilaw ang Abiu.  At ang magandang balita ay pwede itong itanim sa container.

Mapalad ako na nakakuha ng pananim na Abiu noong 2005. At nakakatuwa dahil pagkatapos ng tatlong taon ay nagbigay agad ito ng bunga. Maraming health benefits ang prutas ng abiu dahil marami itong sustansya kagaya ng Vitamin A, B, C, calories, at fiber. Pwedeng kainin ito ng fresh at masarap din itong ihalo sa salad. Paborito ko halo halo na ginagawa ni Myrna na may jelly-like na laman ng Abiu, ube o leche flan o pareho, crushed ice, asukal na pula at gata.

Ang punong ito ay isa sa pinakilala namin sa isang exhibit sa Philippine Orchid Society Exhibit sa Quezon City noong 2009. At nais ko ring irekomenda sa inyo ang pagtatanim ng rare fruit na ito dahil sa loob at dalawa o tatlong taon ay namumunga na ito kapag maganda ang kondisyon ng lupa.

Huwag tayong titigil sa pagtatanim. Sa buhay hindi natin makukuha ang isang bagay dahil ginusto lang natin. Minsan ay kailangan nating pinaghihirapan ito. Madalas ay kailangan natin ang matiyagang paghihintay.  Ang mga ganitong karanasan ang nagpapayaman sa kaalaman at kakayahan natin sa pakikibaka sa buhay. 

Word of the Week:
Hosea 4:6. “My people are destroyed from lack of knowledge. Because you have rejected knowledge, I refuse to recognize you as my priests. Since you have forgotten the laws of your God, I will forget to bless your children.”

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.