Nagsusumite na ng kandidatura sa pagkakonsehal ng Lungsod sina Incumbent City Councilors Carmela Asaña Acebedo , Plaridel Dela Cruz at Buhay D. Espiritu, ayon sa report ng Seven Lakes Presss Corp.
Pawang nasa unang termino bilang mga kagawad ng Sangguniang Panglunsod sina Acebedo, De la Cruz at Espiritu matapos panapanabay magwagi noong nakaraang 2019 local election. Nasa lapian ni Mayor Loreto ‘Amben’ Sahagun Amante sina Carmela at Plaridel samantalang isang independent candidate si Buhay nang mapaluklok bilang kagawad ng Sangguniang Panglungsod.
Sapagkat pare’parehong mga naging punong barangay ay nabitbit sa bulwagan ng konseho ang mabubuting pampublikong serbisyong natutunan sa paglilingkurang pambarangay. Naisakatawan at naisatinig upang pakinabangan ng iba pang mga barangay ng lungsod.
Sa loob at labas ng Sanggunian ay naramdaman at nakita ang pagkakatupad sa mga pangakong binitiwan noong nakaraang halalan. Ngayon pa lang ay marami nang mga tagapagtaguyod at manghahalal ang nagsasabing magiging malaking bentahe ang mga naisagawa nina Acebedo, De La Cruz at Espiritu bilang mga masisipag, matatapat at magagaling na konsehal ng lungsod upang maluklok sa Pangalawang Termino.
Sandy Belarmino
Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV. Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.