ACG: Mag-ingat sa mga clickbait, online scam sa gitna ng kapaskuhan

0
228

Nagbabala ang Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa publiko na maging mas maingat sa mga “clickbaits” o link na ginagamit ng mga online scammers para mang-akit ng mga biktima, lalo na sa panahon ng kapaskuhan.

Sa isang panayam sa radyo kanina, sinabi ni ACG spokesman Lt. Michelle Sabino na ang mga manloloko ay nag aabala ngayon upang dayain ang mga tao kasabay ng bigayan ng bonus at insentibo sa gitna ng nalalapit na pagpapatupad ng SIM Card Registration Law bago matapos ang taon.

“Yes, ang mga kawatan lahat pwedeng gawin ang paraan para makapanloko and generally lahat ginagawa na ang swindling, estafa, panloloko. Online buying or online selling, even investment scams. Kami ay nakakatanggap ng maraming mga reklamo kamakailan lamang

 the criminals are doing everything and every means to try and trick people and generally they are doing everything – swindling, estafa. Online buying or online selling, even investment scams,” ayon kay Sabino.

Dapat aniyang maging mas maingat ang mga tao sa paggastos ng kanilang pera, lalo na sa online transactions.

Simula sa Disyembre 27, ang mga user ay kinakailangang irehistro ang kanilang mga SIM card sa loob ng 180 araw mula sa bisa ng batas, na may extended registration period na hindi lalampas sa 120 araw.

Ang pagkabigong magrehistro ng SIM sa loob ng panahong ito ay magreresulta sa awtomatikong pag-deactivate nito ngunit maaari pa ring i-reactivate pagkatapos ng pagpaparehistro na dapat gawin sa loob ng limang araw mula sa pag-deactivate.

“If registered, their scamming world will become smaller, because they can be easily identified unlike now, they are hiding under the anonymity of the web,” ayon pa rin kay Sabino.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.