Achievement Award, iginawad sa mga piling pulis sa Region 4A

0
450

Calamba, Laguna. Ginawaran ng Achievement Award ang mga piling pulis at tauhan ng Police Regional Office (PRO) Calabarzon kahapon kasabay ng pagdiriwang ika 120 taon ng anibersaryo ng police service sa Region 4A.

Kabilang sa mga ginawaran ng parangal ni Chief Philippine National Police, PGEN Guillermo Lorenzo T Eleazar sina PCOL Renato Cantos Mercado, Best Senior PCO for Administration; PCOL Joseph Reyes Arguelles, Best Senior PCO for Operations;  PMAJ John Conrad Asehan Villanueva, Best Junior PCO for Administration; PLTCOL Rodel Sibalo Ban-o, Best Junior PCO for Operation; PEMS Elison Gacosta Apalla, Best Senior PNCO for Administration; PMSg Mark Anthony Cartero Lopez, Best Senior PNCO for Operation; PSSg Abraham Mirabete Maestro, Best Junior PNCO for Administration; PCpl Francisco Alab Vergara I, Best Senior PNCO for Operation; NUP Carmelita Ramos Jaca, Best NUP Supervisory Level; NUP Wily Jane Tuazon Mansion, Best NUP Non-Supervisory Level. 

Kabilang naman sa ga pinarangalan sa kategorya ng Unit Awardees ang mga sumusunod: Best Police Provincial Office Cavite PPO, Best City Police Station Biñan CPS, Laguna PPO, Best Municipal Police Station Rosario MPS, Cavite PPO, Best Provincial Mobile Force Company 2nd Company Quezon PMFC, Best Administrative Support Unit RCEU 4A at Best Operational Support Unit RACU 4A.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Eleazar ang mga miyembro ng PRO Calabarzon. “To those who were given the awards, you represent the men and women of PRO CALABARZON. Kayo ang totoong mukha ng PNP, hindi ang iilan na bugok sa ating hanay. Magsilbi kayong inspirasyon at motivation upang ipagpatuloy at lalo pang paigtingin ang paglilingkod sa ating bayan,” ayon sa police chief.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.