Acorda, nagsalita hinggil sa mga akusasyon ng destabilisasyon laban sa PNP, AFP: “It’s unforgivable”

0
161

Pinuna ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. nitong Lunes, Enero 8, ang ginawang pagpapakalat ng impormasyon laban sa kanya at kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Romeo Brawner Jr. ng ilang vlogger, na diumano ay nangunguna sila sa mga plano ng destabilisasyon laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“It hurts me that there are some people who, for the sake of gaining popularity through their vlogs, would sow disinformation. No less than my face, the face of the CSAFP (Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines) posted and went viral, saying the AFP and the PNP withdrawing support or asking for the resignation of the President. It’s unforgivable,” pahayag ni Acorda sa kanyang mensahe sa flag-raising ceremonies sa Camp Crame sa Quezon City.

Aniya, ang nasabing pag-aakusa ay nakakasira at nakababastos sa pagsusumikap ng mga tauhan ng unipormadong serbisyo upang mapanatili ang kaligtasan ng bansa.

“We try to promote investments and tourism pero dahil lang sa mga ito, sa pansarili nagki-create na hindi magandang imahe sa ating bayan,” sabi ni Acorda.

Sa kabila ng disinformation sa ilang social media platforms, hinikayat ni Acorda ang lahat ng miyembro ng PNP na magtulong-tulong upang panatilihin ang pagpapatupad ng batas at konstitusyon, pati na rin ang pagtatanggol sa pamahalaan.

Nanawagan din si Acorda sa mga vlogger na huwag maglabas ng mga masasakit na salita laban sa ibang tao nang walang ibang layunin kundi ang makakuha ng mas maraming viewers.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo