Acorda, retirado na: Peralta, itinalagang PNP OIC

0
135

MANILA. Nagretiro nakahapon, Marso 31 si dating hepe ng Philippine National Police na si Benjamin Acorda Jr., kasabay nito ay itinalagang officer-in-charge ng Philippine National Police si Police Lt. Gen. Emmanuel B. Peralta.

Sa seremonya ng change of command at retirement honors para kay Acorda sa PNP Grandstand, Transformation Oval sa Camp Crame ngayong araw ng Lunes alas-9 ng umaga, nakatakdang isagawa ang pagpapalit sa puwesto.

Si Peralta ay naglingkod bilang Deputy Chief for Administration (TDCA) ng PNP at dating hepe ng Directorial Staff. Isa rin siyang dating Director ng Operations (DO) at naging Director ng PNP Directorate for Human Resource and Doctrine Development (HRDD).

Bukod dito, naglingkod din siya bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 1 o Ilocos Region at bilang Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office (PPO).

Sa pagretiro ni Peralta sa Agosto 24, sa pag-abot ng kanyang retirement age na 56-anyos, tiniyak niyang ipagpapatuloy ang magandang imahe ng PNP at patuloy at ang mahusay na paglilingkod sa publiko.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.