Active cases ng Covid-19 sa PNP umabot na sa 4K, karamihan sa mga pulis asymptomatic

0
160

Karamihan sa mga pulis na nahawa ng coronavirus disease ay asymptomatic, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon. 

“Medyo umakyat yung bilang ng ating mga pulis na na-infect pero marami po asymptomatic and since they are asymptomatic we allow them to do home quarantine for five to seven days tapos iti-test natin. Yung merong mga symptoms yun po ay nilagay sa mga quarantine facilities natin. Nagdagdag tayo ng additional 180 beds nasa training school at badminton court but we continue to provide additional bed capacity to accommodate symptomatic patients (The number of our policemen who are infected increased a bit but many are asymptomatic and since they are asymptomatic we allow them to do home quarantine for five to seven days and then we will test them. Those with symptoms were placed in our quarantine facilities. We have added an additional 180 beds in the training school and badminton court but we continue to provide additional bed capacity to accommodate symptomatic patients,” ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa isang panayam sa radyo.

Ang PNP ay nakapagtala ng dagdag na 310 na bagong kaso noong Lunes, na nagtaas sa active case tally sa 4,015 mula sa kabuuang 45,782 na kumpirmadong kaso mula noong nagsimula ang pandemya.

Kaugnay nito, 277 na mga bagong nakarekober, ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa 41,642 habang nasa 125 na ang bilang ng mga nasawi.

Sinabi rin ni Carlos na patuloy ang trabaho para sa mga asymptomatic at nagagawa pa rin ang kanilang tungkulin kahit nasa bahay o nasa loob ng pasilidad.

Idinagdag niya na ang PNP ay mabilis na kumikilos upang mabakunahan ang lahat ng mga tauhan nito laban sa Covid-19.

Binanggit ng PNP ang pinakahuling datos noong Lunes na 216,513 tauhan (96.09 porsyento) sa 225,313 kabuuang bilang ng ganap na nabakunahan, habang 7,620 (3.38 porsyento) ang naghihintay para sa kanilang pangalawang dosis.

May 1,181 PNP na personnel (0.53 percent) ang hindi pa nababakunahan.

Samantala, idinagdag ni Carlos na bumalik na siya sa trabaho pagkatapos niyang gumaling mula sa Covid-19 noong nakaraang linggo.

Pinaalalahanan din niya ang mga tauhan na laging panatilihin ang malusog na pangangatawan at maayos na pag-iisip upang epektibong makaganap bilang front-liners sa paglaban sa pandemya

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.