AFP loyalty check, hindi kailangan sa hidwaang Marcos-Duterte

0
110

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi kailangan ang “loyalty check” sa hanay ng mga sundalo sa gitna ng namumuong tensiyon sa pagitan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Padilla, wala silang namomonitor na pagkakawatak-watak ng kanilang hanay bunsod ng pagsusulong ng People’s Initiative na tinututulan ng dating Pangulong Duterte. “Ang statement po ng [AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.] is there is not even a need for a loyalty check,” ayon kay Padilla.

Tiniyak ni Padilla na patuloy lamang silang susunod sa Konstitusyon. Idinagdag niya na umapela si Brawner sa mga sundalo na huwag makisangkot sa isyu at maging “non-partisan and professional.”

Hinikayat ni Brawner nitong Lunes ang militar na suportahan ang Bagong Pilipinas policy ng Marcos administration, at sinabing “the AFP shall be at its vanguard.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo